Hello, mahal ko.. Sunny ko.. 4 months na pala? Miss na miss na kita. Parang kulang pa ‘yung 12 yrs na nakasama kita. Sana hinintay mo pa ako maikasal at magkaron ka ng baby brother/sister sakin eh.. hehe! Namimiss ko ‘yung palagi mong pagsunod kahit saan ako pumunta, kung papaano mo ako salubungin sa bawat pag uwi ko sa bahay. namimiss kong makita kung gaano mo rin ako namiss kapag wala ako sa tabi mo/niyo. Namimiss ko lahat sayo lalo na ‘yung katarayan at kasungitan mo sa iba na namana mo sakin. 😅 haha sorry, anak. Kung may mga pagkukulang ako, pasensya ka na ha.
Sana hindi mo na tinatarayan sina Rocky, Kobe at Bunsoy diyan. Please, maglaro lang kayo. Malayang malaya kayo diyan. 🤍🌈
Mahal na mahal na mahal kita. ♥️
Mahal na mahal na mahal ko kayo.🐾
Lagi lang kayo nasa puso ko. 🥰
Lord , Thank you po sa pagpapahiram mo
sa akin sa mga batang ‘yan. Salamat po at ako ang napili Mong maging FurMom nila. 🐶🐾 Naalagaan ko naman po sila nang tama habang nasa piling ko sila diba? If hindi po, patawad po. Hehe. Minahal ko po sila na parang tunay kong mga anak. 💖 Isa po sila sa naging kaligayahan ko sa buong buhay ko. Sobrang saya ko po dahil never naging boring ang buhay ko simula nung dumating sila sakin. 🥰
I’m forever grateful to You, God. 🙌🏻💖
-Amor 🌙
