Tandang-tanda ko pa na lagi mo akong hinahatid tuwing nag-aabang ako ng bus papasok sa school. Walang nagturo sayo kung paano gawin yon kaya nagulat na lang ako kung paano mo sya natutunan. That's your way of letting me know na you want me safe. Ramdam ko kung gaano mo ako kamahal, at sana naramdaman mo rin na mahal na mahal kita sa sandaling magkasama tayo. Sana ay masaya ka kung nasaan ka man ngayon. Sana nakakatanggap ka ng maraming belly rubs dyan kasi yun ang paborito mo. Hanggang sa muli, Paloma ko.
