Light a PawVisit the memorial hall
Munmun

Munmun

Diary

“Mahal na mahal kita. Ikaw ang lucky charm ko sa lahat ng mga 'Una' sa buhay ko. Hanggang sa muli, Moon.”

Halos dalawang linggo na pala mula noong mawala ka. Alam ko namang nasa mabuti ka na ngayon, pero pwede bang tabihan mo na lang muna uli ako sa pagtulog? Nami-miss na kita Munmun ko. Sorry kung marami akong pagkukulang sa'yo, pasensya na rin kung hindi ko man nagawa ang best ko para alagaan ka, pero sana hindi mo ako malimutan, mahal na mahal kita.

✎ Anong laro ang nilalaro ninyo nang magkasama?
Noong maliit pa s'ya, kamay ko lagi ang paborito n'yang harutin, binilhan ko s'ya ng tali na may bell, pero kahit ano namang may tali o gumagalaw ay nilalaro n'ya.

✎ Ano ang paborito niyang panahon, at bakit?
Kapag rest day ko siguro, kasi maghapon lang kaming nakahiga at magkatabi

✎ Paano siya nagbago habang tumatanda?
Habang tumatagal ay lumalambing s'ya, pero ayaw n'ya kapag ikaw ang lalambing sa kanya, nagagalit agad, panay kumpas ng buntot. Gusto n'ya s'ya ang lalapit sa'yo

🕯️ Munmun

Light a candle or leave a kind word for Munmun in the memorial hall. Free, no sign-up.

Visit Munmun's place →