Hello Palangga, Kumusta ka? Masaya ikaw dyan mag tatatakbo? Marami bang foods dyan? Hindi na ba malabnaw timpla ng gatas mo dyan? May treats ka na ba dyan? Alam mo langga, sa tuwing naiisip ka ni mama, naiiyak parin ako. 4 years na ang nakakalipas, pero may kirot parin talaga. Masakit parin talaga langga. Ang dami naming "sana" sayo ni Dada. Sorry langga, kung dumating ka sa buhay namin ni Dada na kapos pa tayo. Alam mo langga, okay na kami ni Dada ngayon. Lahat ng gusto mo at pangangailangan mo, maibibigay na namin sayo ngayon. Sana proud ka samin ni Dada mo, at sana mapatawad mo kami ni Dada sa mga pagkukulang namin ha. Sobrang mahal ka namin Monfy, mula noon hanggang ngayon ❤️🩹
